PNP suportado ang paglalabas ng narcolist

Sinuportahan ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde ang paglalabas ng narcolist o listahan ng mga pulitikong sangkot sa ilegal na droga.

Ayon kay Albayalde, kailangan lamang na properly validated bago ito ialabas.

Sinabi ni Albayalde na karapatan ng mga botante na maimpormahan hinggil sa mga pulitikong sangkot sa illegal drug trade.

Ang mahalaga lang ayon sa PNP chief, tiyak na validated ang narcolist bago ito ilabas.

Una nang tinutulan ng Comelec ang planong paglalabas ng narcolist dahil unfair umano ito sa mga pulitiko.

Read more...