Cessna plane bumagsak sa Talavera, Nueva Ecija

Isang 2-seater na Cessna plane ang bumagsak sa Talavera, Nueva Ecija, Lunes (march 4) ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng problema sa makina ang cessna plane kaya bumagsak sa bahagi ng Barangay Homestead.

Maswerte namang nakaligtas ang dalawang sakay nito.

Agad silang isinugod sa Talavera General Hospital.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...