Bago ang barangay elections noong nakaraang taon, sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño, sa nasa 42,000 na mga barangay sa bansa ay 15 ang kanilang nakasuhan.
Makalipas aniya ang barangay elections ay lahat na ng barangay sa buong bansa ay tumugon sa BADAC.
Dahil sa pagiging functional ng BADAC sa buong bansa, sinabi ni Diño na tuluy-tuloy ang hulihan laban sa mga sangkot sa ilegal na droga.
Susi din aniya ang pagiging aktibo ng BADAC sa pagsasauli ng mga cocaine na natatagpuan sa mga baybayin ng bansa.
Sa buong Pilipinas ayon kay Diño, mayroong 800,000 na mga tauhan ng barangay na bahagi ng BADAC.
Ang problema lang ani Diño, inalisan ng kongreso ng budget ngayong 2019 ang BADAC.
Dahil dito, apektado aniya ang pondo sa pagsasagawa ng training at seminars sa mga miyembro nito.\]