Ito ay sa kabila ng pagtutol dito ng Commission on Human Rights (CHR), Commission on Elections (Comelec), ilang mga senador at iba pang grupo.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño na obligasyon ng pamahalaan na mawarningan ang taumbayan.
Nasa mahigit 80 ang nasa narcolist ayon kay Diño na sumailalim sa pag-validate ng apat na ahensya ng pamahalaan.
Pawang pulitiko aniya ang mga ito pero hindi naman tiyak kung sila lahat ay tumatakbo para sa 2019 midterm elections.
Dagdag pa ni Diño, lalamanin ng ng narcolist ang pangalan ng mga pulitiko na kinabibilangan ng gobernador, congressman, mayor, at konsehal.
Una rito ay nagpahayag ng pagkabahala ang ilang ahensya ng pamahalaan dahil maaring paglabag umano sa karapatang pantao kung ilalabas ang listahan lalo na kung wala pa namang kasong naisasampa laban sa mga madadawit na pangalan.