Nagpulong sa Moscow, Russia sina France President Francois Hollande at Russian President Vladimir Putin.
Sa nasabing pulong nagkasundo ang dalawang lider na magpalitan ng intelligence data kaugnay sa Islamic State at sa iba pang mga terrorist groups.
Sa kanilang joint statement matapos ang pulong, tiniyak ni Hollande na makikipagtulungan sila sa Russia laban sa terorismo. “France is ready to work hand in hand with Russia to achieve a common goal of fighting terror groups and Islamic State in the first place,” ayon kay Hollande.
Sa panig naman ni Putin, kinilala nito ang papel ng Syrian Armies sa ilalim ng pamumuno ni President Bashar Al-Assad sa paglaban sa terorismo sa kanilang bansa. Ayon kay putin imposibleng magtagumpay ang pagkilos laban sa mga terorista kung walang ground operations.
Sa ngayon, tanging ang pwersa ng Syrian Government aniya ang may kakayahan at kapangyarihang magsagawa ng ground operations laban sa mga terorista. “We all believe that it’s impossible to successfully fight the terrorists in Syria without ground operations. And there’s no other force to conduct ground operations against IS … except the government army of Syria,” sinabi ni Putin.
Nagkasundo ang dalawang lider na muling ipagpatuloy ang kanilang pag-uusap hinggil sa problema sa terorismo sa dadaluhan nilang Climate Change Conference sa Paris na magsisimula sa November 30.