Ridge of HPA nakakaapekto sa Luzon; easterlies umiiral sa Visayas at Mindanao

Nakakaapekto ngayon ang mainit na hangin mula sa dagat-Pacifico o easterlies sa Visayas at Mindanao habang umiiral naman ang ridge of High Pressure Area (HPA) sa Luzon.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, dahil sa naturang weather systems, asahan ang maalinsangang panahon sa buong bansa.

Maaliwalas ang panahon sa buong Luzon at mababa ang tyansa ng mga pag-ulan dahil sa ridge of HPA.

Dahil naman sa easterlies, marararanasan ang maalinsangang panahon sa Eastern Visayas at Caraga region ngunit mayroong isolated thunderstorms.

Sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao ay mababa ang tyansa ng pag-ulan.

Ligtas namang makakapalaot ang mga mangingisda sa mga baybaying dagat ng bansa.

Read more...