M3.2 na lindol naitala sa Ilocos Sur

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bahagi ng Ilocos Sur kaninang alas-3:46 ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 41 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Santa Catalina.

May lalim ang pagyanig na 16 na kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa mga ari-arian dulot ng pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...