Matinding trapiko inaasahan ngayong araw dahil sa pagsasara ng Tandang Sora flyover

Inaasahan ang katakot-takot na trapiko ngayong araw matapos isara ang Tandang Sora flyover at intersection sa Commonwealth Avenue sa Quezon City mula noong Sabado ng gabi.

Ang pagsasara sa flyover ay upang bigyang-daan ang konstruksyon ng Metro Rail Transit o MRT-7.

Inaasahang makakaapekto ang pagsasara ng flyover sa higit 100,000 mga sasakyan at libu-libong commuters.

Wala na ang U-turn sa baba ng flyover sa Luzon Avenue at ililipat na ito sa may Congressional Avenue Extension.

Abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motoristang papunta sa Quezon Memorial Circle, mag-U-turn sa may Home Depot, kumanan sa Luzon Avenue at lumabas sa Congressional extension.

Sa mga pupunta naman ng Katipunan, kumanan sa Luzon Avenue, mag-U-turn sa Congressional extension at umakyat sa Luzon sa flyover.

Kung papunta ng Circle mula sa Fairview, kumanan sa Don Antonio lumusot sa Mapayapa papuntang Luzon Avenue.

Read more...