6 timbog dahil sa iligal na droga sa Pateros

Arestado ang anim na lalaki sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Pateros.

Ayon kay Police Lieutenant Edwin Banares ng Pateros Police Station, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa bentahan ng droga sa Alley 22, Brgy. Sta. Ana.

Dahil dito, nagkasa ang Station Drug Enforcement Unit ng operasyon kung saan positibong nakabili ng dalawang sachet ng droga ang mga pulis na nagpanggap na poseur buyer.

Isa sa mga natimbog na suspek ay kabilang sa drug watchlist habang ang isa ay isang senior citizen.

Nakakulong ngayon ang anim sa Pateros Police Station at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...