Presyo ng diesel at gaas bababa, gasolina tataas

Nag-anunsyo na ang kumpanyang Shell ng magiging paggalaw sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo sa linggong ito.

Sa abiso ng kumpanya, bababa ng P0.10 kada litro ang presyo ng diesel.

Ang kerosene o gaas naman ay bababa rin ng P0.35 kada litro ang presyo.

Bagaman pababa ang presyo ng diesel at gaas ay tataas naman nang bahagya ang presyo ng gasolina.

Madaragdagan ng P0.10 kada litro ang presyo ng gasolina.

Epektibo ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo ng Shell bukas, alas-6:00 ng umaga.

Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng kanilang oil price adjustments ang iba pang kumpanya ng langis.

Read more...