DENR nakaalerto na sa forest fires sa El Niño

File photo

Nakaalerto na ang Department of Environment and Natural Resources sa forest fires.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu ito ay dahil sa makararanas ang bansa ng el nino phenomenon o mainit na panahon sa mga susunod na araw.

Ayon kay Cimatu, inatasan na niya ang 16 na executive director ng DENR regional offices na magsagawa ng malawakang assessment sa mga gubat para maiwasan ang wild fires o grassfires.

Pinatutukan ni Cimatu ang mga kabundukan na vulnerable sa sunog at ang mga lugar na sumailalim na sa rehabilitasyon ng Enhanced National Greening Program.

Pinakikilos din ni Cimatu ang 3,350 na regular forest guards.

Matatandaan na noong nakaraang taon lamang, bumili na ang DENR ng forest fire fighting equipment gaya ng fueled power grass cutter, fire pump, fire swatters at iba.

Inumpisahan na rin ng DENR ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya para sa forest at biodiversity protection sa pamamagitan ng paggamit ng digital technology-based forest monitoring system na tinatawag na Lawin Forest and Biodiversity System.

Sa ilalim ng sistema, ang mga forest area na nasa panganib tulad ng forest fires at iba pang illegal na gawain ay minamarkahan.

Read more...