Palasyo: Mga magulang dapat bantayang maigi ang mga anak

Hinimok ng Palasyo ng Malakanyang ang mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak.

Pahayag ito ng Palasyo sa gitna na rin ng mga viral suicidal games na momo challenge kung saan hinihimok ang mga bata na mag-suicide sa pamamagitan ng challenge.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na mas maiging i-guide ang mga bata na umiwas sa naturang game.

Pinakamabisa pa rin aniya ang pagbibigay pangaral ng mga magulang sa mga bata.

Read more...