Nakatakdang magbigay ng talumpati si Pangulong Benigno Aquino III na tatagal ng tatlong minuto sa climate change summit na gaganapin sa Paris.
Magiging laman ng talumpati ng Pangulo ang magiging tugon ng Pilipinas sa problemang dala ng climate change.
Bukod dito, isusulong din niya na isama sa Paris agreement ang mga isyu ng human rights, kahinaan ng mga katutubo at maging ang gender issues.
Si Pangulong Aquino rin ang itinalagang magbigay ng keynote remarks sa Climate Vulnerable Forum (CVF) sa sidelines ng COP 21.
Sa November 30, makakasama niya ang mahigit sa 100 pinuno ng mga bansa sa Leaders’ Meeting sa 21st Conference of Parties o COP 21 ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).
MOST READ
LATEST STORIES