Ito na ang ika-pitong pagkakataon na nag-pardon ng turkey si Obama, at aniya ay hindi siya makapaniwala na pitong taon na niyang ginagawa ito.
Ani Obama, naniniwala siyang ang Amerika ay isang bansang nagbibigay ng ikalawang pagkakataon, at dahil doon ay binibigyan niya ng pagkakataon ang nasabing hayop para sulitin pa ang kaniyang buhay.
Pinangalanang “Abe” ang turkey para sa dating presidenteng si Abraham Lincoln.
Pinasalamatan naman niya ang kaniyang mga anak sa pagsama sa kaniya sa pagbibigay ng pardon kay Abe.
Simula pa noong rehimen ni George H.W. Bush noong 1989, naging taunang tradisyon na sa White House ang pagpa-pardon sa turkey, na madalas inihahanda tuwing Thanksgiving.