Maine Mendoza, inaming nagde-date sila ni Arjo Atayde

 

Grab from Maine Mendoza’s IG stories

Kinumpirma na ni Maine Mendoza na siya’y nakikipag-date kay Arjo Atayde.

Sa pamamagitan ng kanyang blog, may isinulat si Maine na ilang detalye ukol sa kanila ni Arjo.

Hindi na ma-access ang naturang blog post pero may screenshots ang ilang fans nina Maine at Arjo.

Sa naturang post, hindi itinanggi ni Maine na ang friendship niya kay Arjo ay “growing deeper with time.”

Gumagawa rin aniya ng mga paraan si Arjo para siya’y maging “extra happy.”

Ayon kay Maine, alam ng kanyang buong pamilya at mga kaibigan ang sitwasyon nila ni Arjo.

Sa katunayan, sinabi ni Maine na na-meet na ng Kapamilya actor ang kanyang mga magulang at nagpupunta pa sa bahay nila sa Bulacan.

Binanggit umano ni Arjo na malinis ang kanyang intensyon, pero pabirong sinabi ni Maine na nagbabala raw ang kanyang mga magulang na papatayin ang aktor kung may gagawing masama sa kanya.

Kwento pa ni Maine, naalala niya ang isang “timid” na Arjo na humarap kina “Teodoro at Mary Ann” o kanyang parents.

Nauna nang inamin ni Arjo na dating sila ni Maine, at pagkatapos nito ay makailang beses nang naispatan ang dalawa sa ilang events.

Read more...