BFP, gagamit na rin ng “millennial lingo” para sa kampanya kontra sunog

 

Sasabayan na ng Bureau of Fire Protection o BFP ang social media at ang lenggwaheng gamit ng mga kabataan o “millennials” para paigtingin ang awareness kontra sa sunog.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni BFP spokesman Chief Inspector Jude delos Reyes na iniba na nila ang approach ngayon para makasabay sa makabagong henerasyon.

May mga trained lecturer aniya ang BFP na gagamit ng pambatang lingo o lenggawahe.

Gayunman, sinabi ni delos Reyes na tuloy pa rin ang kanilang community based na information campaign kung saan ginagawa ang mga residente bilang community auxiliary at force multiplier tuwing may sunog.

Pakiusap ni delos Reyes sa publiko, pansinin ang mga ginagawang community training ng BFP dahil para rin ito sa kanilang kaligtasan.

 

 

Read more...