Arkitekto, nasawi makaraang mahulog sa elevator shaft ng isang building sa Cubao

Nasawi ang isang arkitekto matapos na mahulog sa elevator shaft ng isang building sa Cubao, Quezon City.

Ang biktima ay kinilalang si Michael Alfonso, 37-anyos.

Nangyari ang insidente sa Cyber Park Tower 1 sa Araneta Center, Cubao.

Inakala ng biktima na pintuan ng CR ang kanyang nabuksan, ngunit elevator shaft pala at nahulog siya ng tatlong palapag na ikinamatay nito.

Hustisya naman ang sigaw ng mga kaanak at kaibigan ng biktima.

Giit nila, dapat managot ang building admin dahil sa “negligence” nito, lalo’t walang signage ang elevator shaft.

 

Read more...