Roger Federer, nakamit ang kanyang 100th career title

 

“Made it to 100!”

Yan ang masayang tweet ng tennis superstar na si Roger Federer gumawa ng kasaysayan makaraang makamit ang kanyang ika-isang daang career title.

Para sa 100th title, tinalo ni Federer si Stefanos Tsitsipas ng Greece sa Dubai Championship.

Dahil sa pagkapanalo, si Federer ang ikalawang tennis player na nakakuha ng “century of tournament wins.”

Ang unang nakagawa nito ay si Jimmy Connors ng Amerika noong 2001 sa Milan.

Ayon kay Federer, isang “dream come true” ang kanyang achievements sa tennis.

Nagpaabot ng pasasalamat si Federer sa lahat ng kanyang fans na walang sawang sumusuporta.

Read more...