Maja Salvador, nakipagbalikan sa ex-boyfriend

Masaya ang dancer-actress na si Maja Salvador sa kanyang buhay-pag-ibig ngayon.

Sa panayam ng press sa naganap na event para sa kanyang bagong endorsement, sinabi ni Maja na unang beses na nagpost siya sa social media ng hindi nagdadalawang-isip.

Ito ay kaugnay ng kanyang Instagram post kung saan kasama niya ang ex-boyfriend si Rambo Nuñez.

Kinumpirma ni Maja na sila muli ni Nuñez.

Giit ni Maja, hindi masama na hindi niya sinunod ang kanyang sariling ‘rules’ tungkol sa pakikipagbalikan sa ex at sa tingin niya ay ‘worth it’ ito.

Hindi malinaw kung kailan nagkabalikan ang dalawa dahil hindi na nagbigay pa ng detalye ang aktres tungkol sa kanilang relasyon.

Siyam na taon na ang nakalilipas nang maghiwalay ang dalawa dahil lamang sa napilitang pumili si Maja sa pagitan ng career at love life.

Read more...