Ilocos Norte niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

(Updated as of 6:20am) Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Ilocos Norte kaninang alas-3:46 ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 22 kilometro Hilagang-Kanluran ng bayan ng Burgos.

May lalim itong 22 kilometro.

Una nang sinabi ng Phivolcs na may lakas na magnitude 5.5 ang lindol ngunit ibinaba rin sa magnitude 5.3.

Naramdaman ang Intensity IV sa Laoag, Ilocos Norte.

Instensity III naman ang naramdaman sa Badoc, Ilocos Norte; Bantay, Magsingal, San Ildefonso, Santo Domingo, Sinait at Vigan, Ilocos Sur.

Hindi na inaasahang magdudulot pa ng aftershocks ang lindol at hindi rin inaasahang nagdulot ng pinsala sa ari-arian.

Read more...