Lalaki patay sa pamamaril ng riding in tandem sa Iloilo City

Patay ang isang lalaki sa pamamaril ng riding in tandem sa harap ng shopping mall sa Mabine Street, Iloilo City araw ng Sabado.

Kinilala ang nasawi na si Lhuil Clemente, 40 anyos.

Sakay si Clemente ng motorsiklo nang barilin ng mga suspek na nakasakay din sa motorsiklo.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian ito ng buhay kalaunan.

Nabatid na nagtitinda ng karneng baboy at manok ang biktima at wala umano itong kaaway sa kanilang lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

Read more...