Dumalo sa isang wreath laying ceremony para kay Ho Chi Minh si North Korean leader Kim Jong Un bago ito umalis ng Vietnam.
Ang embalmed body ni Ho Chi Minh na isang revolutionary leader ng Vietnam ay nakadisplay tulad ng sa ama at lolo ni Kim sa North Korea.
Sa mga makasaysayang araw sa North Korea, regular na binibigyang-pugay ni Kim ang kanyang ama at lolo.
Gayunman, hindi pangkaraniwang gawin ito ni Kim sa isang foreign leader.
Ang pagbisita ng North Korean leader sa Monument to War Heroes and Martyrs sa Hanoi ay bahagi ng kanyang dalawang araw na official visit sa naturang bansa.
Matatandaang nakapulong ni Kim si US President Donald Trump para muling pag-usapan ang denuclearization ng NoKor ngunit wala silang napagkasunduan.
Samantala, sumakay na si Kim sa kanyang olive green armored train sa Dong Dang border station sa Vietnam na dadaan ng China patungong Pyongyang.
May layong 4,000 kilometro ang lalakbayin ng lider bago makauwi o tinatayang aabot ng dalawa at kalahating araw.