Ito ay para mabawasan na ang mga callers ng naturang government hotline.
Ayon kay Castelo, sa DTI hotline na 1-DTI o 1384 na lamang tumawag para mas mabilis ang maging aksyon dahil konektado na ito sa mga local offices ng ahensya na nakakasakop sa mga uri ng sumbong.
Ayon kasi sa mga ulat, marami sa mga tawag sa 8888 ay tungkol sa mga reklamo sa presyo ng bilihin, kalidad ng produkto at paglabag ng ilang mga kumpanya.
Ito ang dahilan kung bakit hindi makayanan ng naturang hotline ang bugso ng mga reklamo.
Pagtitiyak ng kalihim, may sapat na tao at pasilidad ang DTI para solusyonan ang mga sumbong na maipararating sa kanilang hotline.