Ayon kay Piñol, walang dapat ipag-alala sa plano ng gobyerno na i-liberalize ang rice importation.
Tiniyak ng kalihim na ang pag-angkat ng bigas ay hindi magiging dahilan ng paghinto ng produksyon ng local rice.
Paliwanag ni Piñol, limitado ang world supply ng bigas at kapag tumaas ang importation ng bansa ay tataas din ang presyo sa world market.
Giit pa ng opisyal, mayroon lamang tatlong milyong metriko toneladang bigas sa buong mundo na pwede sa importation dahil sa rice shortage.
Hindi rin anya magtatagal ang pag-depende ng Pilipinas ng bigas sa Vietnam, Thailand at ibang rice exporting countries dahil lumalaki rin ang populasyon ng naturang mga bansa.