Sunshine Garcia at Alex Castro, ikinasal na

Nauwi na kasalan ang pag-iibigan ng dating Sexbomb dancer na si Sunshine Garcia at aktor na si Alex Castro.

Matapos ang higit tatlong taong pagsasama ay ikinasal ang dalawa sa Manila Cathedral araw ng Sabado.

Dinaluhan ang seremonya ng ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Sunshine kabilang ang mga dating kasamahan sa Sexbomb.

Present din ang kanyang co-hosts sa comedy program na Banana Sundae na sina Angelica Panganiban, Pooh at John Prats.

Sa post ng Metro Photo sa Instagram makikita ang first kiss bilang bagong kasal nina Sunshine at Alex.

Matatandaang engaged na ang dalawa noon pang taong 2017.

Noong nakaraang taon ay isinilang ni Sunshine ang kanyang lalaking anak kay Alex.

Read more...