Federer, wagi ng ‘special’ 100th title kontra Tsitsipas

Isang ‘special’ 100th title ang nakuha ni tennis star Roger Federer nang talunin nito si Stefanos Tsitsipas sa score na 6-4, 6-4 sa Dubai Championships.

Naitala ng 20-time Grand Slam winner ang record eight trophy sa Aviation Club.

Naging untouchable ang Swiss second seed sa malaking bahagi ng 69 minutong final bilang ganti sa talo nito sa Australian Open.

Dahil sa panalo ay kabilang na si Federer sa iba pang male tennis players na nanalo ng 100 titles kabilang si Jimmy Connors.

Una rito, nakuha ni Federer ang kanyang ika-99th trophy noong Oktubre sa isang home event sa Basel.

Read more...