DPWH: First phase ng Boracay road rehab matatapos na ngayong Marso

Kumpyansa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos na ang unang bahagi ng rehabilitasyon ng circumferential road sa isla ng Boracay.

Ayon sa DPWH, ang pagtapos sa proyekto ay eksakto sa inaasahang dagsa ng mga turista para sa summer season.

Matatandaang una nang target na matapos ang road widening at paglalagay ng flood control sa 4.1-kilometer circumferential road noon pang October 26.

Ang extension ng deadline ay bunsod ng mga pag-ulan na nagpabagal sa rehabilitasyon.

Sinabi ni DPWH-Western Visayas director Wenceslao Leano na inaasahang matatapos ang proyekto sa susunod na dalawang linggo.

Samantala, patuloy na umaapela ang gobyerno sa telecommunications, water at electric companies para sa paglipat ng underground lines.

Noon pang February 15 ang deadline na itinakda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa paglipat sa underground lines upang bigyang-daan ang pipe-laying.

Read more...