Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, bagama’t mas malinis na ang dagat ngayon, hindi pa rin ito ligtas para languyan.
Giit ng kalihim dapat munang maisara ang mga kumpanya na nagtatapon ng dumi sa mga kanal na dumidiretso sa Manila Bay.
Umaarangkada rin anya ang proseso para mailipat ang mga informal settlers sa paligid ng dagat na itinuturong may malaking ambag sa mga basura.
Matatandaang ipinag-utos na rin ng DILG sa 178 lokal na pamahalaan na tumulong sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
MOST READ
LATEST STORIES