Ilang senatorial bets dumalo sa Panagbenga Festival

Hindi pinalampas ng ilang mga kandidato para sa May 2019 midterm elections ang street dancing parade para sa Panagbenga Festival araw ng Sabado.

Bagaman dumalo, iginalang naman ng mga kandidato ang festival at hindi lantarang nangampanya.

Kabilang sa mga dumalo ang mga pambato ng administrasyon na sina Imee Marcos, Ramon Revilla at Lito Lapid.

Masaya si Baguio City Mayor Mauricio Domogan na hindi nakihalubilo sa publiko ang mga kandidato at hindi naantala ang parade ngayong taon.

Nauna nang nagbabala si Domogon sa mga eepal na pulitiko dahil madalas na nakikisali ang mga ito sa parada habang namamahagi ang kanilang supporters ng campaign materials.

Hindi naman naiwasan nina Marcos, Revilla at Lapid na makipagkamay sa iilan na ipinagbabawal din.

Magaganap ngayong araw ng Linggo ang grand float parade.

Ayon kay Domogan, maaari namang dumalo ang mga kandidato sa event ngayong araw pero bawal mangampanya at mamigay ng mga election propaganda.

Read more...