Anak ni Mayor Sara na si Stonefish nagdiwang ng 2nd birthday

Credit: Jefrey Tupas, Davao PIO

Ipinagdiwang ng pinakabatang apo ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Stonefish ang kanyang ikalawang taong kaarawan sa Davao City araw ng Sabado.

Naganap ang birthday celebration sa isang sikat na fast food chain.

Batay sa larawan na ibinahagi sa social media ni Jefrey Tupas ng Davao Public Information Office, makikitang present sa birthday party sina Mayor Sara Duterte-Carpio, Atty. Manases Carpio at iba pa nilang mga anak na sina Sharky at Stingray.

Sa isang post sa Instagram araw ng Biyernes, nauna nang binati ng Mayor Sara si Stonefish para sa kanyang kaarawan.

Inilarawan niya ang anak bilang kanyang ‘brightest star’.

Read more...