DOH nagpaalala laban sa mga sakit sa summer

Nagpaalala sa publiko ang Department of Health (DOH) kaugnay ng mga sakit na lumalaganap sa panahon ng tag-init.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, mahalaga ang madalas na pag-inom ng tubig kapag mainit ang panahon.

Ito anya ang pinaka-mabisang panlaban sa dehydration at sa nakamamatay na heatstroke.

Payo pa ng ahensya, iwasan ang pagbibilad sa araw mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon.

Nagpaalala rin ang DOH laban sa banta ng sakit na tigdas lalo na sa summer season.

Read more...