Pahayag ito ng DFA matapos pagtibayin ng Saudi Court of Appeals ang hatol sa isang Pinay noong 2017.
Ayon sa mga opisyal ng Philippine Consulate General sa Jeddah, patuloy nilang tutulungan ang OFW na sinabi na sa korte na pinatay niya ang kanyang employer bilang self defense.
Sinabi ni Consul General Edgar Badajos, tinutulungan ng konsulada ang Pinay sa simula pa lamang ng paglilitis dito sa pamamagitan ng pagbigay sa kanya ng abogado at pagpapadala ng kinatawan sa mga hearing ng kaso.
Ipinarating na ang kaso sa Department of Justice (DOJ) na pinuno ng Inter-Agency Committee Against Trafficking (IACAT) para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa recruiter ng OFW na isang menor de edad nang unang matalaga sa Saudi Arabia noong 2016.