LPA na dating Bagyong Betty, nalusaw na

Tuluyan nang nalusaw ang low pressure area (LPA) na dating Bagyong Betty araw ng Sabado.

Ayon sa Pagasa, ang umiiral ngayon sa Luzon at Visayas ay ang Amihan o Northeastern Monsoon.

Sa araw ng Linggo ay mababa ang tsansa na umulan liban sa ilang bahagi ng La Union, Eastern Samar at Mindanao.

Asahan ang magandang panahon sa Baguio City kung saan ipinagdiriwang ang taunang Panagbenga Festival.

Habang sa Metro Manila ay mababa rin ang tsansa na uulan.

Read more...