Patuloy sa pagbaba ang water level sa La Mesa Dam dahil sa mainit na panahon at kawalan ng ulan.
Ayon sa Pagasa Hydro-Meteorological Division, nasa 12 centimeters ang ibinababa ng lebel ng tubig sa La Mesa Dama kada araw.
Gayunman, sinabi ng Pagasa na hindi ito dapat maging dahilan ng panic dahil mayroon pang sapat na tubig sa naturang dam na nagmumula sa Angat Dam.
Sa ngayon ay nasa 204.05 meters ang water level sa Angat Dam at malayo ito sa 180 meters na critical low level.
Ang problema lang umano ay kulang ang tubig na papunta sa Eco Dam mula sa La Mesa.
MOST READ
LATEST STORIES