LPA na dating Bagyong Betty nasa loob pa rin ng PAR

Nasa loob pa rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na dating ang Bagyong Betty.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,320 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan.

Wala itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa at posibleng tuluyan nang malusaw pagkalabas ng bansa.

Patuloy namang umiiral ang northeast monsoon sa Luzon at Visayas.

Dahil sa Amihan, maaliwalas ang panahon ngunit makararanas ng mahihinang mga pag-ulan sa Cagayan Valley Region, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Aurora, Quezon, Bicol Region at buong Visayas.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon maalinsangan ang panahon na may maliit na tyansa ng mga pag-ulan.

Sa Mindanao ay maalinsangan ang panahon ngunit may posibilidad ng mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dulot ng localized thunderstorms.

Ligtas namang makakapalaot ang mga mangingisda saanmang baybaying dagat ng bansa.

Read more...