$1M alok sa makapagtuturo sa kinaroroonan ng anak ni Osama bin Laden

May alok na 1 milyong dolyar ang US State Department para sa makapagtuturo sa anak ni Osama bin Laden na si Hamza bin Laden.

Ayon sa US State Department, si Hamza ay hinuhubog na maging lider ng al Qaeda.

Naglabas umano ito ng audio at video messages sa Internet na nananawagan sa kanyang mga tagasunod na maglunsad ng mga pag-atake laban sa Estados Unidos at mga kaalyado nitong bansa.

Nagbanta rin umano si Hamza na maghihiganti sa U.S sa pagkakapatay sa kanyang ama ng US military forces noong May 2011.

Matatandaang napatay si Osama bin Laden ng US Navy SEALs sa Pakistan noong 2011.

Ibinunyag din ng State Department na batay sa mga gamit na nakumpiska sa pinagtataguang lugar noon ni Osama sa Pakistan, mahihinuhang sinasanay nito ang anak na si Hamza para maging kanyang kapalit sa pamumuno sa al Qaeda.

Ayon pa sa State Department, si Hamza ay kasal sa anak ni Mohammed Atta, ang lead hijacker sa September 2001 World Trade Center attacks.

Read more...