Dagdag SSS contribution, epektibo sa Marso 5

Inabisuhan ng Social Security System (SSS) ang kanilang mga miyembro kaugnay ng dagdag kontribusyon alinsunod sa batas na magiging epektibo sa March 5.

Ayon kay SSS Vice President for Public Affairs and Special Events Luisa Sebastian, nakatakda sa Republic Act No. 11199 ang dagdag kontribusyon ng mga miyembro.

Paliwanag ni Sebastian, layon ng ipapatupad na dagdag kontribusyon na lumakas ang viability ng pondo ng SSS.

Sa ilalim ng batas, may dagdag na isang porsyento o mula 11 percent ay magiging 12 percent na ang buwanang kontribusyon ng bawat miyembro.

Babayaran ng employed SSS member ang 4 percent ng kontribusyon habang 8 percent ang sagot ng employer o kumpanya.

Iginiit naman ng ahensya na makikinabang sa mas malaking benepisyo ang mga miyembro dahil sa batas.

Read more...