Ayon kay PAGASA administrator Vicente Malano, hindi na gagamitin ng weather bureau ang mga pangalang Ompong, Rosita at Usman.
Pinalitan ang tatlong pangalan ng Obet, Rosal at Umberto.
Tinatanggal ng PAGASA ang pangalan ng isang bagyo kapag nag-iwan ito ng hindi bababa sa 300 patay o hindi kaya ay nagdulot ng aabot sa P1 bilyong pinsala sa agrikultura at imprastraktura.
Matatandaang ang bagyong Ompong na nanalasa noong Setyembre ay nag-iwan ng 82 patay at higit P33.9 bilyong pinsala sa agrikultura at imprastraktura,
Ang Rosita naman na tumama sa bansa noong Oktubre ay nag-iwan ng 20 patay at humigit-kumulang P2.9 bilyong pinsala sa mga pananim at ari-arian.
Habang ang bagyong Usman ay nanalanta noong Disyembre at kumitil sa buhay ng 156 katao at sumira sa P5.4 bilyong halaga ng imprastraktura.