Ilang bahagi ng C-5 Road at EDSA, sarado dahil sa DPWH road repairs

File photo

Sarado ang ilang lanes ng C-5 Road at EDSA ngayong weekend dahil sa repair at maintenance works ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa DPWH, ang apektadong mga lugar ay sarado simula alas 11:00 Biyernes (March 1) ng gabi hanggang alas 5:00 Lunes (March 4) ng umaga.

Ang saradong mga lugar ay ang sumusunod:

-Edsa southbound mula Lagarian Creek hanggang Ermin Garcia (2nd lane mula sa sidewalk)

-C-5 Road southbound lampas ng Lanuza Avenue bago dumating ng Bagong Ilog Flyover at sa harap ng SM Aura

-Ramon Magsaysay Boulevard southbound papuntang Cubao, mula Ramon Magsaysay Bridge hanggang Pureza Street sa Manila

Pinayuhan ng DPWH ang mga motorista na gumamit ng alternatibong mga daan para makaiwas sa inaasahang trapik sa lugar.

Read more...