Ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula December 16 hanggang 19, 2018, nasa 78 percent ng mga Pinoy ang nag-aalala na maging biktima sila ng EJK habang 22 percent ang hindi nag-aalala.
Ayon sa SWS, ito ay limang porsyentong pagtaas mula sa 73 percent na naitala noong June 2017.
Partikular na nakasaad sa resulta ng survey na nasa 42 percent ang “very worried” at 36 percent ang “somewhat worried.”
Samantala, nasa nine percent ang “not too worried” habang 13 percent ang “not worried at all.”
Sa naturang survey ay tinanong ang 1,440 respondents kung “Gaano po kayo nangangamba na kayo o sino mang kilala ninyo ay maging biktima ng EJK?”