M3.3 na lindol tumama sa Southern Leyte

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang bahagi ng Southern Leyte kaninang alas-10:06 ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 32 kilometro Timog-Kanluran ng Limasawa.

May lalim itong 10 kilometro.

Una nang sinabi ng Phivolcs na may lakas ang pagyanig na magnitude 3.8 ngunit ibinaba ito sa magnitude 3.3.

Tectonic ang dahilan ng pagyanig at hindi naman ito inaasahang magdudulot ng aftershocks.

Hindi rin inaasahang nagdulot ito ng pinsala sa mga ari-arian.

Read more...