Nilinaw ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang nabanggit ni Pangulong Duterte na tatlong milyong drug users sa bansa ay ang nasa Metro Manila lang.
Aniya ngayon ay may pitong milyong drug users sa buong bansa.
Una nang inamin ng PNP na wala silang datos ng eksaktong bilang ng mga gumagamit ng droga sa bansa at hindi rin nila alam kung saan hinugot ng Malakanyang ang bilang na sinabi ng punong ehekutibo.
Ang mga bilang na ibinigay ng pambansang pulisya ay ang mga naisagawa nilang operasyon, ang mga naarestong drug personalities, maging ang mga bilang ng mga nasawi sa anti-drug operations kasama na ang mga alagad ng batas.
Sa pinakahuling datos, 5,176 na ang namatay sa mga operasyon, samantalang halos 600 opisyal ng gobyerno na ang kasama sa mga naaresto.