Ibinahagi ni Lacson na may nakuha siyang impormasyon na hinihintay pa ng pamunuan ng Kamara ang isusumiteng individual projects ng ilang kongresista.
Aniya hindi pa kasama ang mga ‘insertions and realignments’ na ginawa matapos ratipikahan ang bicameral report.
Pagdidiin ni Lacson, ito ay pagpapakita ng pang-aabuso muli sa posisyon ng ilang mambabatas kung ang mga ginagawang pagbabago ay hindi alam o pinapayagan ng Senado.
Nabanggit pa ng senador na ang panibagong hakbangin na ito ng pamunuan ng Kamara ay maaring paglabag sa Saligang Batas.
Aniya, may nakausap siyang kongresista na nagsabi na natapyasan ang pork barrel ng may 60 mambabatas.
Isinalarawan ni Lacson ang ginagawang ito ng ilang mambabatas na kasakiman at nakakahiya.