Halos 29 na floats makikilahok sa Panagbenga Festival sa Baguio City

Inquirer File

Aabot sa 29 floats ang makikibahagi sa 24th Panagbenga Festival sa Baguio City sa darating na araw ng Linggo.

Bukod pa dito ang 17 grupo na magtatagisan naman sa ‘creative street dancing competition.

Nabatid na lalahok sa kompetisyon ang ilang grupo mula sa ibang lugar maliban sa mga mula sa rehiyon ng Cordillera.

Magkakaroon din ng showdon ng drum and lyre groups ng ibat -ibang paaralan sa Athletic Bowl.

Inaasahan na dadagsa ang tao sa Panagbenga Park sa Military Cut-Off Road hanggang sa Session Road, Harrison Road at Magsaysay Avenue, na ruta ng mga makukulay, dahil sa ibat-ibang bulaklak, na floats.

Ilang kilalang personalidad ang sasakay sa ilang floats, na paparada hanggang sa Melvin Jones Football field.

Read more...