Sinabi ni Gordon maraming dokumento at kagamitan ang napinsala dahil sa insidente.
Aniya sinimulan na nilang mangalap ng mga datos at ebidensiya na pagbabasehan ng isasawang imbestigasyon sa Senado.
Paglilinaw pa ni Gordon na bagamat naka-‘recess’ ang Kongreso, maaring magsagawa ng motu propio investigations ang komite sa mga isyu at kontrobersiya.
Tumagal ng halos 10 oras ang sunog bago ito naapula.
Nagsagawa na ang komite ni Gordon ng pag-iimbestiga kaugnay naman sa mga pagkakapuslit ng bilyong-bilyong pisong halaga ng shabu ng hindi nahaharang ng Bureau of Customs.