Kris Aquino at Tony Labrusca gaganap naag-ina sa isang proyekto

Ibinahagi ni Kris Aquino na magiging parte siya ng isang nalalapit na proyekto kasama si Tony Labrusca.

Nag-post si Aquino ng larawan sa Instagram kung saan makikita ang eksena nila ni Labrusca.

Ayon sa kanya, siya ang gaganap na ina ng aktor sa nasabing proyekto.

Nagpahayag din ng paghanga si Kris sa galing ng aktor.

Nagpasalamat naman si Labrusca sa aktres sa pagpayag nitong makatrabaho sya.

Si Labrusca ang gumanap sa pelikulang “Glorious” bilang kapareha ni Angel Aquino.

Read more...