Matapos mauwi sa hindi magandang pangyayari ang naging relasyon ng dating magka-loveteam na sina Janella Salvador at Elmo Magalona, hindi na umaasa pa ang aktres/singer na hihingi pa ng tawad sa kanya ang dating kapareha.
Matatandaang nagkaroon sila ng kontrobersiya noong Oktubre matapos umanong pisikal na saktan ni Magalona ang aktres.
Sa isang press conference sa Le Reve Events Venue sa Quezon City, sinabi ni Salvador na “What’s done is done”.
Aniya, ang paghihintay sa paghingi ng tawad ni Magalona ay magbibigay lang sa kaniya ng negatibong pakiramdam.
Dagdag pa niya, dahil sa nangyari sa kanila ni Elmo ay natutunan niyang magpatawad sa kanyang sarili at malaman kung ano ang kaya niyang tiisin sa hindi.
MOST READ
LATEST STORIES