Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 2 kilometers Northwest ng bayan ng Manukan, ala-1:41 hapon ng Biyernes (March 1).
May lalim na 7 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala naman ang intensity III sa Manukan, Zamboanga del Norte, intensity II sa Dipolog City, at Katipunan, Zamboanga del Norte at intensity I sa Ipil, Zamboanga Sibugay.
Samantala, nakapagtala rin ng instrumental Intensity II sa Dipolog City, Zamboanga del Norte at intensity I sa Zamboanga City.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks.
MOST READ
LATEST STORIES