Sinabi ni Atty. Florante Miano, ang legal counsel ng Speedgame Incorporated sa forum ng National Press Club, araw-araw ay nalulugi ng dalawang milyong piso ang operasyon ng STL sa lalawigan at kailangan nilang mag-remit ng 54-na milyong piso bawat buwan sa PCSO.
Ngunit dahil sa peryahang bayan o illegal jueteng na hawak ng Globaltech Mobile Online Corporation o GMOC hindi nila maabot ang quota ng PCSO lalo pa at bumagsak ng 60 porsiyento ang kanilang income.
Ginawa ng Speedgame ang panawagan sa Pangulo matapos na.maghain ng kaso laban sa mga lokal na opisyal sa Pangasinan na pinaniniwalaan nilang sangkot sa illegal numbers game.
Kabilang dito sina San Carlos City Mayor Joseres Resuello at kapatid na Vice Mayor na si Julier Resuello at ang Chief of Police na si Supt. Rollyfer Capoquian, gayundin sina San Fabian Mayor Constante Agbayani at ang Chief of Police ng San Fabian na si Chief Inspector Melecio Mina at mga opisyal ng PNP CIDG sa lalawigan sa pamumuno ni Supt. Philip Antang.
Ayon kay Miano, hindi napipigil ang illegal numbers game sa lalawigan na sumisira sa STL ng PCSO dahil sa protektado ng mga respondent ang operasyon nito.
Sabi ni Miano, bukod sa testimonya ng mga saksi, may mga dokumento rin siyang hawak na nagpapatuna na may basbas ng mga respondent ang naturang illegal activity, gaya ng ginanap na pakikipagpulong sa mga operators ng jueteng sa lalawigan.
Naniniwala ang abogado na mapatitigil ang jueteng sa rehiyon sa sandaling ipag-utos ng Pangulo ang pagsupil nito.