Muling siniguro ni US Secretary of State Mike Pompeo ang suporta ng Amerika sa Pilipinas sa nagpapatuloy na sigalot sa West Philippine Sea.
Sa press conference sa Department of Foreign Affairs (DFA) sinabi ni Pompeo na malinaw at nananatili silang tapat sa kanilang obligasyon sa ilalim ng US-Philippines mutual defense treaty.
Malinaw din aniyang ang South China Sea ay sakop ng freedom of navigation.
Sinabi ni Pompeo na nananatili ang commitment ng US sa pagsuporta nito sa Pilipinas.
Mahalaga din aniyang gawin ng Pilipinas at iba pang mga bansa sa rehiyon ang kanilang obligasyon para mapanatiling bukas sa malayang paglalayag ang mga pinag-aagawang teritoryo.
Ayon kay Pompeo, gagana ang “mutual defense obligations ng US sa sandaling magaroon ng “armed attack” sa mga pwersa ng Pilipinas na nasa South China Sea .